Wednesday, October 28, 2009

Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

Ayon sa mga historyador,ang Asya ang sentro ng kaganapan sa daigdig hanggang sa ika-16 na siglo. Ito rin ang pananaw ng maraming Asyano. Sila ang nagtatag ng mga unang kabihasnan at pinakamalaki at pinakamatatag na imperyo sa panahong ito. Sa araling ito, tatalakayin ang mga kaisipang Asyano na naging batayan o pundasyon ng pagkabuo ng mga sinaunang kabihasnan sa mundo.




Mga Matutunan

  1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng kaisipang Tsino sa pagtatag ng China;
  2. Naipaliliwanag ang pinagmulan ng emperador ng Japan at Korea;Nasusuri ang mito ng pinagmulan ng sinaunang kaisipan sa Timog Silangang Asya;
  3. Napahahalagahan ang mga kaisipang pinagbatayan sa pagkilala sa sinaunang kabihasnan;
  4. Nakapagmumungkahi ng mga katangiang dapat taglayin ng mga pinuno ng bansa; at
  5. Nakapaglilista ng mga kaisipang Asyano na patuloy na gumagabay sa mga pinuno sa rehiyon

> Ang pundasyon ng pagkabuo ng mga sinaunang kabihasnan ay ang mga Asyanong kaisipan na uminog sa relihiyon at uri ng pamumuno.




ANG CHINA BILANG GITNANG KAHARIAN

> Ayon sa mga Tsino:

§ ipinagmamalaki nila ang kanilang nasyon na naging ugat sa katotohanang ang kabihasnan nilang umusbong sa Huang Ho.

§ ang kanilang kabihasnan ang pinakamatandang nabuhay na daigdig na ayon o hango sa mga turo ng tanyag na pilosopo na si Confucius.

§ ang kanilang kabihasnan mataas na pagtingin sa kanilang sarili ay bunga sa ‘di matatawarang ambag sa larangan ng pilosopiya, kaisipan, at imbensyon.





Zhongguo



§
Middle Kingdom o Gitnang Kaharian

§ naniniwala ang mga Tsino na ang kanilang imperyo ang sentro ng daigdig at kaganapan.

§ ang sino mang tumanggap ng impluwensyang Tsino at yumakap ng Confucianism ay sibilisado at ang hindi nabibiyayaan ng kanilang kabihasnan ay barbaro.

> Kapuri-puri ang mga Tsino dahil sa hindi nila ipinagkait ang kanilang kultura sa hindi kalahi.

§ tulad ng mga karatig bansa tulad ng Japan, Korea at Vietnam.

§ ang pagiging sibilisado ay hindi usapin sa lahi kung hindi sa pagtanggap ng Confucianism.

>Nang dumating ang mga Europeo sa China, sila’y tiningnan ng mga Tsino bilang barbarong may katayuan sa daigdig.

> Kowtow

§ ang pagyuko sa emperador ng 3 beses kung saan ang noo ay humahalik sa semento.


> Ang katagang Sino ay ginagamit upang tukuyin ang mga Tsino, kung kaya’t ang kanilang pananaw na sila ang superior sa lahat ay tinaguriang Sinocentrism.

> Ang emperador ng mga Tsino ay Anak ng Langit (Son of Heaven) na namumuno dahil sa kapahintulutan o basbas ng Langit (Mandate of Heaven) na may taglay ng virtue (birtud o kabutihan).

> Kadalasan, may mga palatandaan sa kalikasan tulad ng pagkakaroon ng lindol, bagyo, tagtuyot, peste o mga digmaan at kaguluhan. Kapag ito’y naranasan ng imperyo, isa itong palatandaan na hindi na nasisiyahan ang kalangitan sa nakaupong emperador.



ANG BANAL NA PINAGMULAN NG EMPERADOR NG JAPAN AT KOREA

> Ayon sa paniniwala ng mga hapones:

> Amaterasu

§ anak ni Izanagi (diyos) at Izanami (diyosa)

§ dahilan sa pagiging banal o sagrado ang emperador ng mga hapones

§ diyosa ng araw

> Ninigi-no-Mikoto

§ ipinadalang apo ni Amaterasu upang pamunuan ang kalupaan dala ang espada, alahas at salamin sa isla ng Kyushu, Japan na kinilalang banal na sagisag ng emperador.

> Jimmu Tenno

§ kaapu-apuhan ni Ninigi

§ kinikilalang unang empetador ng mga hapones.


> Naging epektibo ang mito o alamat na ito dahil sa tuluyang paniniwala ng mga hapones na diyos ang emperador.
> Walang Mandate of Heaven sa Japan.



>Ayon sa alamat ng mga Korean:
> Prinsipe Hwanung

§ nagmula ang kanilang pinuno.

§ anak ng diyos ng kalangitan na si Hwanin.

§ bumaba sa kalupaan at itinatag ang lungsod ng diyos.

§ nagtalaga sa tagapangalaga ng hangin, ulam, at ulap.

§ nagturo sa iba’t-ibang kaalaman sa agrikultura, medisina, pangingisda at iba pa.

§ pagkaloob ng batas at nagturo ng tama at mali.

> Danjun Wanggeom

§ anak ni Prinsipe Hwanung at asawa ng isang oso na naging magandang dilag.

§ tangun na nagtatag ng Gojoseon o Lumang Joseon (unang kaharian ng Korea)



> Kapwa humiram ng kultura ang Japan at Korea sa China ayon sa ilang iskolar.


MITO NG PINAGMULAN AT SINAUNANG KAISIPAN NG TIMOG SILANGANG ASYA


> Ang mga hari ng mga imperyo sa Timog Silangang Asya ay nangunguna sa mga ritwal at pag-aalay sa mga diyos.


>
Animismo (Aminism)
- naniniwala sila na ang kapaligiran ay pinanahanan ng mga espiritu o diyos na maaring mabait o masama.

> Mon


§ isang grupong etnolinggwisto sa Myanmar

§ ang kanilang hari ay nangunguna sa mga ritwal para sa ikasisiya ng kanilang mga diyos.

§ sa pagkamatay ng kanilang hari, tutungo ito sa daigdig ng mga espiritu at magiging diyos o espiritu na rin.

> Habang nabubuhay ang Hari, ito’y may dalawang mahalagang katungkulan.

1. Siya ay tagapamagitan ng mga diyos at mga tao upang pigilan ang mga kalamidad sa kalikasan bunga ng maling pag-aalay sa mga diyos o espiritu ng kalikasan.

2. Ang hari rin ang tagapamagitan sa iba’t-ibang pamayanan at mga mapayapang uganayan nila sa isa’t-isa na kailangan upang patuloy ang kasaganaan sa lipunan.


> Ang sagradong tahanan ng mga diyos o espiritu ay nasa mataas na lugar tulad ng bundok.

> Imperyo ng Pagan (900-1300 C.E.)


  • sa Myanmar
  • ang banal na bundok at sagradong tirahan ng mga diyos ay ang Mount Popa

> Sinaunang Cambodia


  • ang banal na bundok ay ang Ba Phnom na malapit sa Mekong River sa hangganan ng Vietnam.


> Imperyong Sukhothai

  • sa Thailand
  • ang kanilang espiritu, si Phra Kapung ay nananahanan sa isang burol sa tabi ng batis.


> Pilipinas


  • ang Bundok Apo, Banahaw, Arayat, at Pulag ay tahanan ng mga diyos at espiritu.

> Sa Timog Silangang Asya, ang bundok ay sinisimbolo ng mga kamangha-manghang templo at istrakturang arkitektural.


v Borobudur

§ pinakadakilang monumentong Buddhist na itinayo sa Central Sava, Indonesia.

§ nagmula sa wikang Sanskrit na Buhmian Bhara Budhara (mountain of accumulation of merits of the states)


v Buddhism

§ mahalaga ang pagkamal ng kabutihan upang malinis ang sarili at maging karapat-dapat na makamtan ang nirvana o estado ng pagkawala ng paghihirap at pagtatapos ng siklo ng kapanganakan at kamatayan.

> Mahalaga ang mito sa isang lugar upang mabigyan nito ng puwang ang kanyang mga tao sa kaayusan ng daigdig.

v Lac Long Quan

§ tungkol sa kanya ang isang kwento sa Vietnam.

§ isang panginoong Dragon

§ ang kanyang pakikipag-isang dibdib sa isang reyna, si Ao Co, ay naging simula sa pagkakaroon ng unang hari sa Vietnam na namuno sa may lugar ng Red River.

> O.W. Wolters

-isang historyador ng Timog Silangang Asya na nagsasabing men of prowess ang sinaunang pinuno.

> Men of Prowess

§ lalaking nagtataglay ng kakaibang galling, tapang, katalinuhan.

§ Sa pilipinas, maaaring ikategorya ang mga sinaunang datu bilang men of prowess sa dahilang pinili sila sa kanilang barangay bunga ng kanilang katapangan, katalinuhan o kagalingan.






ANG DEVARAJA AT CAKRAVARTIN SA INDIA AT SA TIMOG SILANGANG ASYA

> Devaraja

  • Ang deva ay nangangahulugang diyos at ang raja naman ay hari.
  • Tinitingala siya na mataas at walang kapantay.


> Manu

§ Unang hari sa alamat ng India

§ Nabuo sa pamamagitan ng pagsamasama ng mga mga bahagi na sinisimbolo ng iba’t-ibang diyos.

§ Nagsisimbolo ng buwan, apoy, araw, hangin, tubig, kayamanan at kamatayan.


> Cakravartin



§ Ang haring nakaupo sa trono

§ Kinikilalang hari ng mundo.

§ Nangangako sa pamumuno na makatwiran at mapagkalinga sa mamamayan at relihiyon.

§ Namumuno sa pagsasagawa ng mga ritwal tulad ng Spring Festival at Rain Festival.

§ Ang simbolo ay puting payong at royal elephants.

§ Halimbawa ay si Haring Asoka na naghari noong 273 hanggang 232 B.C.E. at tumalikod sa kaharasan ng pakikipagdigma na nagsuporta at yumakap sa Buddhism.



> Shiva


§ Diyos ng Hinduism.

§ Kinikilalang diyos ng pag-aanak at sinisimbolo ang isang linga, isang baton a korteng bahagi ari ng lalaki.

§ Sinisimba sa Imperyong Khmer sa Angkor ng Cambodia.

§ Nangangalaga naman sa mga haring Khmer bilang hari ng kalupaan.






ANG ISLAMIKONG KAISIPAN UKOL SA PAMUMUNO SA KANLURANG ASYA.

>Muhammad



§ Nagging tagapagtatag ng relihiyon

§ Pinaniniwalaang seal of the prophets o huling propeta na magpapanayag ng mensahe ni Alla sa sanlibutan.

§ Namatay na walang naatasang kapalit.



> Caliph


§ Unang nagging caliph si Abu Bakr na tagapayo ni Muhammad.

§ Sila ang kinatawan ni Muhammad sa kalupaan.

§ Pinuning panrelihiyon at pamahalaan.

§ Nakasaad ang katungkulan sa Qu’ram o Korean.

§ Mga anino ni Allah sa kalupaan.

§ Dapat sundin ng lahat ng muslim dahil intasan ni Allah

§ Dapat sundin ang lahat ng Muslim dahil inatasan ni Allah.

§ Katungkulan ng Caliph:

1. Dapat niyang panatilihin ang Islam sa tunay nitong anyo nang ito’y itinatag.

2. Dapat na siya ang magbigay ng makatwiran at legal na paghuhusga upang matapos ang di-pagkakaunawaan.

3. Dapat niyang protektahan ang nasasakupan ng imperyo at lahat ng sagrado nito.

4. Dapat siyang mangulekta ng buwis sa mga nasasakupan ayon sa mga nasasakupan ayon sa batas.

5. Dapat niyang pamahalaan ang mga nasasakupan upang maayos ang pagpapatakbo ng imperyo at mapangalagaan niya ang relihiyon.







































II – MENDEL

Shoshannim Lolo

Charisse Gem Kuizon

Aileen Ledesma

Vanessa Camille Labial

Quennie Jumuad

Joshua Robert Dalapag

Darrel Jims Domingo

Sa Pamamatnubay ni:

Gng. Daisy Parchamento

Guro – Araling Panlipunan II - Asya

3 comments: